Barbie

Barbie kinabahang matanong tungkol kay Richard

Vinia Vivar Jul 13, 2024
68 Views

Kahit kinakabahan ay dumalo si Barbie Imperial sa mediacon ng latest movie niya sa Viva Films na How to Slay a Nepo Baby sa Viva Café sa Cubao, Quezon City.

Inamin ng aktres sa simula pa lang na kinakabahan siya dahil nga sa maaaring itanong sa kanya ng press tungkol sa mga latest issue na kinasasangkutan niya kabilang na ang rumored relationship with Richard Gutierrez.

Pero inanunsyo nga rin kasi sa presscon na iwasang magtanong about personal life ng mga cast at inirespeto naman ito ng press. Wala talagang nagtanong kay Barbie about her love life kaya sa pagtatapos ng event ay nagpasalamat ang aktres.

“Kabadong-kabado talaga ako kanina bago pumunta rito. Maraming salamat sa respeto,” sey ni Barbie.

Samantala, inamin ng aktres na marami silang challenge na naranasan while filming the said horror film in Sagada. Aniya ay medyo mabigat talaga habang nagsu-shoot sila dahil ang dami nilang na-experience.

“Medyo weird talaga habang nagsu-shoot kami. Medyo binisita yata kami ng mga something, kasi actually, ang daming nangyayari po habang pini-film namin,” aniya.

She revealed, “Nahulog ako sa hagdan. ‘Di ba, may tahi ako dito?”

Sagot naman ng isa sa cast na si Phi Palmos, “Oh, my God, oo!”

Tsika pa ng aktres, “Tapos si JC (Galano), in-asthma, si Sue (Ramirez), nagkasakit. So, parang medyo mabigat siya, actually nu’ng ginagawa namin. Pero nairaos naman po namin.”

Bukod dito, say naman ng isa pang cast na si Charm Aranton ay nasa bundok nga sila at nilalakad/inaakyat lang daw nila ito sa tuwing nagte-take.

Pero sinigurado naman ng buong production team na safe sila at pag unsafe naman daw ang sitwasyon ay hindi na itinutuloy ang shoot.

Literal na slay ang mapapanood n’yo sa pelikula na tungkol sa grupo ng entitled rich kids na haharapin ang bingit ng kamatayan.

Mula sa Viva Films at Happy Infinite Productions, ang How To Slay A Nepo Baby ay pelikula ng FAMAS-nominated screenwriter at multi-awarded director na si Rod Marmol.

Bibida rin dito sina Chaye Mogg, Sue Prado, NAIA Ching, Ralph Gomez, Phi Gomez, at Coi Suazo.

Mapapanood na ang How To Slay A Nepo Baby sa July 31 in cinemas nationwide.