Tolentino

‘Barbie’ na-review na ng MTRCB, malalaman kung ipagbabawal sa bansa

Eugene Asis Jul 5, 2023
277 Views

PAGKATAPOS ipagbawal ng Vietnam ang pagpapalabas ng pelikulang ‘Barbie’ dahil sa pagpapakita nito ng nine-dash line na inaangkin ng China sa West Philippine Sea, nagmungkahi si Sen. Francis Tolentino na i-ban din sa bansa ang naturang pelikula.

Ayon kay Tolentino, salungat sa katotohanan ang pagpapakita nito (nine dash line) sa pelikula dahil sa arbitral ruling noong 2016 sa The Hague.

Bilang reaksyon, nagpadala ng statement ang Movie and Telesvison Review and Classification Board (MTRCB) na na-review na nila ang naturang pelikula upang mapagpasiyahan kung nararapat itong ipagbawal na ipalabas sa bansa o hindi.

Samantala, ayon naman kay Senator Risa Hontiveros, tulad ng naturang pelikula, ang nine-dash line ay “fictional.” Bagama’t hindi niya iminumungkahi na ipagbawal ang naturang pelikula sa bansa, ang magagawa ng MTRCB o ng mga namamahal sa mga sinehan na maglagay ng isang malinaw na disclaimer na ang nine-dash line ay bahagi lamang ng imahinasyon ng China.

Ang ‘Barbie,’ na matagal nang hinihintay ng mga manonood lalo na ng mga kabataan, ay tinatampukan nina Ryan Gosling at Margot Robbie.