BarbieForteza Larawan mula sa IG/@barbaraforteza

Barbie super sweet sa b-day ni Jak: ‘Aking tahanan’

111 Views

NAG-ALAY ng matamis na mensahe ang aktres na si Barbie Forteza para sa kaarawan ng kanyang nobyo at aktor na si Jak Roberto.

Sa Instagram page ng aktres, ibinahagi niya ang ilang larawan nilang magkasama ni Jak.

Sa birthday greetings ni Barbie para sa ika-30 kaarawan ng kanyang nobyo ay tinawag pa niya itong “aking tahanan.”

“Maligayang Kaarawan, Aking Tahanan. Sobrang saya ko dahil nakikita ko kung gaano ka nageenjoy at nagpupursige sa business mo. Ang dami mong kaibigan dahil napakabuti ng puso mo,” pahayag ni Barbie.

“Proud na proud ako sayo. Basta andito lang ako sa likod mo, nakasuporta sayo. Mahal na mahal kita,” dagdag pa ng aktres.

Tila na-touch naman si Jak sa mensahe sa kanya ng kanyang nobya.

“Thank you Mahal ko!!! I love you so much,” saad ng aktor sa comment section ng nasabing post.

Inulan naman ng birthday greetings si Jak mula sa netizens at celebrities. Ilan sa mga bumati ay sina Tina Paner, Betong Sumaya, Shaira Diaz, Rodjun Cruz, Bea Binene, at Mark Herras.
Larawan mula sa IG/@barbaraforteza