Baril Source: FB file photo

Baril, bala nakumpiska sa police trainee sa QC

13 Views

NAHAHARAP sa kasong paglabag RA 10591 (Illegal Possession Firearms) ang isang police trainee na nahulihan ng baril at bala noong Sabado sa Camp Karingal sa Quezon City.

Nasa kustodiya na ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang 30-anyos na suspek.

Nadiskubre ang dalang baril ng suspek dakong alas-8:10 ng gabi sa QCPD grandstand sa loob ng kampo.

Lumilitaw na na nagsasagawa ng physical accouting ng mga trainee sa QCPD grandstand sina PMaj. Eric Alino, chief ng Training Section, at duty officer na si PSMS Fe Bulan, nang mapansin ang sling bag ng police trainee.

Doon nakita ang .45 cal pistol, magazine na may pitong bala, PNP ID, driver’s license, National ID, Landbank ATM card, P3,568.00 at susi ng motor ng suspek.