Barzaga

Barzaga: Mataas na rating ni Speaker Romualdez sumasalamin kung papaano magtrabaho ang Kamara

165 Views

MASASALAMIN umano sa mataas na rating na nakuha ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga survey ang pagtatrabahong ginagawa ng Kamara de Representantes para matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.

Ito ang sinabi ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., chairperson ng House Committee on Natural Resources kaugnay ng mataas na rating na nakuha ni Speaker Romualdez sa survey ng Social Weather Station, Pulse Asia at OCTA Research.

“Speaker Romualdez’s high trust ratings are a genuine reflection of the hard work of the House of Representatives and its members. This will certainly inspire us to do more, strive better and work harder to serve the Filipino people,” ani Barzaga.

“Hindi naman sa sinasabi nating nagtratrabaho tayo para sa mataas na ratings sa survey, pero tunay namang nakakatuwa pag alam nating nakikita ng ating mga kababayan ang magandang ginagawa hindi lamang ng Kongreso, pati na ang buong administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.,” sabi pa ng mambabatas.

Sa survey ng OCTA noong Marso, nakapagtala si Speaker Romualdez ng 55 porsyentong trust rating at 59% performance rating.

Nakakuha naman si Speaker Romualdez ng 51 porsyentong approval rating sa survey ng Pulse Asia at sa SWS ay 56 porsyento ang nakuha nitong satisfaction rating.

“So this is a confirmation. If you consistently score very high in successive surveys that deal with public approval, trust or satisfaction, it confirms you are doing a good job. So I congratulate all the officials who scored high in these surveys,” punto pa ni Barzaga.

Binati rin ni Barzaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno sa mataas na kanilang nakuha sa survey ng Octa Research para sa unang quarter ng 2023.

“Survey after survey, we see high ratings for President Marcos Jr. and key officials of the government including our dear House Speaker Martin G. Romualdez. Be it satisfaction, approval or trust ratings, the Marcos administration consistently earns high marks!” dagdag pa ni Barzaga.

Sa Tugon ng Masa first quarter 2023 survey of Octa Research, nakakuha ng mataas na trust rating si Pangulong Marcos (83%), Vice President Sara Duterte (87%), Senate President Juan Miguel Zubiri (50%), Speaker Romualdez (55%), at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo (39%).

Sa kaparehong survey mataas din ang satisfaction rating na naitala nina Pangulong Marcos (80%), Duterte (84%), Zubiri (53%), Speaker Romualdez (59%), at Gesmundo (41%).