Calendar
Bata, seniors sa Bataan papasayahin ng Bulabog Malasakit
ORION, Bataan–Nakatakdang mag-host sa December 28 at 29 ang Bulabog Malasakit, isang charitable organization sa Bataan, na ang layunin pasiyahan ang mga bata at senior citizens.
Aabot sa 900 children at senior citizens ang inaasahang sasali sa naturang programa.
Ayon kay Engr. Jhun Mamitag Retuta Lachica, Bulabog Malasakit founding chairman, ang nasabing event, maghahatid ng “activities for children and a heartwarming gift-giving initiative for senior citizens.”
Ang highlight ng programa “Palaro sa mga Bata.”
Magpapatuloy ang festivities sa Brgy. Gen. Lim covered court at 450 bata ang mag-e-enjoy sa hapon sa “foods, games, prices, exciting activities and laughter.”
Ang third and final round ng children’s games magdadala ng ngiti sa 200 na mga bata.
Ang event inaasahang makabagbag-damdamin sa 900 children at senior citizens at magpapalakas sa “Bulabog Malasakit’s commitment to serving the community with kindness and care.”
“We are excited to share the joy of the season with the people who mean so much to us—the children who represent our future and the senior citizens who are the pillars of our community,” paliwanag ni Lachica.
“Let’s come together this holiday season to make a meaningful impact and create memories that will last a lifetime,” dagdag pa niya.