Bataan may 3 brgy na lalaban sa LTIA

Christian Supnad Jul 16, 2025
311 Views

BATAAN–Tatlong barangay sa lalawigang ito Bataan ang nominado para sa 2025 Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA).

“Ikinalulugod ko pong ibalita na tatlong barangay mula sa ating lalawigan ang sumailalim sa national validation noong ika 14 at 15 ng Hulyo sa LTIA para sa taong 2025,” sabi ni Gov. Joet Garcia.

Kinilala ni Gov Garcia ang mga pambato sa LTIA na Brgy. Cupang Proper, Balanga City para sa kategoryang Component City; Brgy. Omboy, Abucay para sa kategoryang 3rd Class Municipality; at Brgy. Sta. Lucia, Samal para sa kategoryang 4th Class Municipality.

“Ngayon pa lamang po ay binabati na natin ang mga namumuno sa mga barangay na ito sa kanilang dedikasyon sa pagpapanatili at pagsusulong ng kapayaan sa kanilang komunidad,” dagdag pa ni Garcia.

Ang LTIA ay naitatag base sa Section 406 (b) of the “LGC of 1991 which mandates the DILG to grant economic and other incentives to Lupong Tagapamayapa (LT) for their outstanding contributions to attain the objectives of the Katarungang Pambarangay.”