Calendar
Bataan solon nahalal na SCAN country prexy
NAHALAL si Bataan Rep. Gila Garcia na SCAN country president at regional president para sa 2026–2028 sa 10th Asia-Pacific Smoke-free meeting sa Penang, Malaysia.
Kasama ni Garcia sa pamumuno ng network ang nahalal na regional vice president na si Hor Sokorn mula sa Cambodia.
Sinabi ng mambabatas na mas paiigtingin pa ang pagpapalaganap ng mga epektibong tobacco control policies at ang sama-samang pagpapalitan ng mga best practices mula sa iba’t ibang komunidad, bilang isang nagkakaisang network sa buong Asya-Pasipiko.
“Mabuhay ang malusog at ligtas na komunidad,” pahayag niya.
Ang Smoke-free Cities Asia Pacific Network o SCAN ay koalisyon ng mga siyudad, municipalidad at lalawigan na layong magkaroon ng institutionalization ng 100% smoke-free environments.
