Calendar
Batangas City IMT kumayod, alerto habang bumabagyo
NAGKAROON ng operational briefing ang Incident Management Team (IMT) ng Batangas City upang tugunan ang epekto ng habagat na dulot ng mga bagyong Dante at Emong.
Ang IMT ang nanguna sa pagresponde sa mga naapektuhan ng masamang panahon at nakipag-ugnayan sa ibat-ibang tanggapan at ahensya noong humahagupit ang mga bagyo.
Ang pagsasagawa ng pre-emptive evacuation, ayon kay Mayor Mario Vittorio “Marvey” Mariño, ay ang pagmomonitor sa mga risk areas, pagkakaloob ng stockpiles sa mga coastal barangays, monitoring ng power outages at electrical hazards, pagtatanggal ng road blockages, assessment sa mga damaged infrastructures, information dissemination at iba pa.
Iniulat ni Fire Chief inspector Joseph Asi na maagap ang pagresponde ng IMT kaya walang nasaktan o nasawi sa Batangas City.
Pinasalamatan si IMT chief at OIC ng Batangas Component City Police Station (BCCPS) na si P/Lt. Col. Ira Morello sa kooperasyon noong bumabagyo.
Pagkatapos ng assessment, inirekomenda ng IMT na maaari nang pauwiin ang 519 na pamilya at 1,938 na indibidwal sa 16 evacuation centers.

