Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
Batangas City magkakaroon ng bagong BSP building
Jojo Cesar Magsombol
Jun 30, 2025
379
Views
PINANGUNAHAN ni Mayor Beverley Dimacuha noong Biyernes ang groundbreaking at Memorandum of Agreement (MOA) signing para sa itatayong Batangas Resiliency and Discipline Camp ng Boy Scout of the Philippines (BSP)-Batangas City Council sa Sitio Puyisan sa Brgy. Talumpok Silangan, Batangas City.
Nakasaad sa MOA na ipagkakatiwala sa naturang council ang pangangasiwa ng itatayong imprastraktura at pasilidad sa 61,000-sq. m. na lote na pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan.
Naging saksi sa signing ceremony sina First Vice-Council Chairperson for Operations Manolo Perlada, Council Scout Commissioner City School Division Superintendent Dr. Hermogenes Panganiban, Vice Mayor Atty. Alyssa Cruz Atienza at dating Council Scout Executive Serge Atienza.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

