Batangas Batangas-Biñan encounter sa MPBL.

Batangas giniba ang Biñan

Robert Andaya Jun 13, 2024
52 Views

PINASIGLA pa ng Batangas ang kanilang kampanya sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season matapos ang 79-72 panalo laban sa Binan sa FPJ Arena sa San Jose, Batangas.

Si Levi Hernandez, na nahirang na “Best Player of the Game”, ay nagtala ng 23 points, three rebounds, two assists at two blocks para sa Batangas, na umakyat sa 10-2 record sa round-robin elimination phase ng 29-team tournament.

Nakatulong ni Hernandez sina Jeckster Apinan, na may 14 points, four rebounds at three assists; at Cedric Ablaza, na may 12 points, eight rebounds at four assists.

Matapos ang dikit na first quarter, nagpakawala ang Rhum Masters ng 12 sunod na puntos para i-poste ang 34-26 kalamangan sa halftime mula 22-26 deficit.

Back-to-back layups nina Hernandez at Apinan at isang triple ni Ablaza ang nagtulak sa Batangas sa 71-55, bago bumawi ang Binan at idikit ang score, 68-74 sa huling 31.7 seconds sa pagpupursige nina Roger Rocacurva, Carlo Lastimosa and Mark Cardona.

Ang Biñan, na bumaba sa 6-4, at nakatanggap ng tig-17 points mula kina Nino Canaleta at Lastimosa at12 points mula kay Rocacurva, lahat nito sa fourth quarter.

The scores:

Batangas (79)– Hernandez 23, Apinan 14, Ablaza 12, Cruz 8, Dela Virgen 6, Isit 4, Baloria 4, Ramirez 3, Ochea 2, Arim 2, Ambulodto 1, Oliva 0, Porter 0, Alarcon 0, Importante 0.

Biñan (72) — Canaleta 17, Lastimosa 17, Rocacurva 12, Gimpayan 9, Alabanza 6, Manalang 5, Grey 3, Maestre 2, Pido 1, Raymundo 0, Anonuevo 0, Penaredondo 0, Actub 0, Mangahas 0, Alonte 0.

Quarterscores: 14-19, 34-26, 59-46, 79-72