BBM Pinirmahan na ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang Amendments to the Agricultural Ratification Act, VAT Refund for Non-Resident Tourist Act and Basic Educational Mental Health and Well Being Promotion Act noong Lunes sa ceremonial hall sa Malacañang Palace. Saksi sa pagpirma sina Senate President Chiz Escudero, House members sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at mga miyembro ng gabinete. Kuha ni Ver Noveno

Batas na sisiguruhin na stable ang suplay ng pagkain pinirmahan na

Chona Yu Dec 9, 2024
29 Views

NILAGDAAN na bilang bagong batas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 12078 o ang Agricultural Tariffication Act na nag-aamyenda sa Rice Tariffication Law (RTL).

Sinabi ng Pangulo na layunin ng bagong batas na siguruhin na stable ang food supply at maibaba ang presyo ng bigas sa mga palengke.

Palalawigin din ng bagong batas ang implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2031.

Dadagdagan din nito ang kasalukuyang pondo na P10 bilyon patungo sa P30 bilyon kada taon.

“This will enable us to do much more for our farmers, ensuring that they have the resources they need to succeed and to make the rice industry even more competitive,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Gagamitin ang dagdag na pondo sa mga priority projects gaya ng training at extension services, financial assistance sa rice farmers na nagbubungkal ng lupa ng hanggang dalawang ektarya, expanded rice credit assistance, composting facilities para sa biodegradable wastes, pest and disease management, soil health improvement, farming support programs sa contract farming at pagtatayo ng mga solar-powered irrigation systems.

Palalakasin din ng bagong batas ang Seed Program at Mechanization Program kung saan mabibigyan ng access ang mga magsasaka sa mas mataas na kalidad ng mga binhi o punla.

Bibigyan din ng batas ng kapangyarihan ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Plant and Industry na bantayan ang mga warehouse o imbakan ng bigas ng mga negosyante.

“In cases of sudden rice shortages or price hikes, the DA will now be empowered to take the necessary actions to stabilize the market.

This will help ensure that the price of rice remains affordable and accessible to every Filipino,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“The Bureau of Plant Industry will also be able to inspect rice warehouses and manage a national database to track grain storage, safeguarding our food supply and ensuring its safety for the public.”