Sec Bautista Transport Secretary Jaime Bautista

Bautista: Dapat ang mga kalsada ay ligtas araw-araw

Jun I Legaspi Sep 27, 2024
157 Views

ANG mandato ng Land Transportation Office (LTO) hindi lamang sa pagpapatupad ng batas at pangongolekta ng kita, kundi pati na rin sa pagtiyak na ligtas ang mga kalsada para sa mga pasahero, motorista at lahat ng gumagamit ng daan, ayon kay Transport Secretary Jaime Bautista.

Sinabi ni Sec. Bautista na ang mahigpit na pagpapatupad ng LTO sa mga batas at regulasyon sa kalsada nagreresulta sa ligtas na mga daan.

“Strict law enforcement should lead to responsible drivers, roadworthy vehicles, and safe roads for pedestrians.

It should be your daily mantra: Ensure the roads are safe,” ani Secretary Bautista sa LTO Operations Forum noong Huwebes.

“The higher dimension of our work is raising the level of safety. Every road fatality is one too many. Behind every statistic is a life lost, a family devastated and a future cut short. This is unacceptable,” binigyang-diin ni Sec. Bautista.

Bukod sa road safety, inatasan din ng kalihim ng transportasyon ang mga tauhan ng LTO na maging patas at transparent sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa publiko.

Habang binibigyang pansin ang pagpapabuti ng road safety, pagpapasimple ng proseso ng pagrerehistro ng sasakyan, at pag-isyu ng lisensya, nakatuon din ang LTO Operations Forum sa pagpapahusay ng serbisyong publiko at pagpapalakas ng teknolohiya para sa mas mahusay na pamamahala sa transportasyon.