1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez

Bawas P10B sa DepEd computerization budget may sapat na batayan — solon

12 Views

MAYROON umanong sapat na batayan ang ginawang pagbawas ng Kongreso ng P10 bilyong budget para sa computerization program ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng panukalang 2025 national budget.

Ayon kay 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez, hindi nagamit ng maayos ng DepEd ang pondong inilaan dito sa nagdaang taon sa ilalim ni Vice President Sara Duterte na pinalitan ni Secretary Sonny Angara.

“Secretary Angara may argue that education funding is sacrosanct, but Congress cannot keep throwing good money after bad. This is not about depriving education; it’s about ensuring proper fund use and accountability,” ani Gutierrez.

“As former Senate Finance Committee chair, Sec. Angara knows that the law is clear: unused funds must be accounted for before new allocations can be made. Now that he’s education secretary, he should focus on fixing DepEd’s internal mess. Congress cannot turn a blind eye to these issues,” saad pa ng mambabatas.

Patunay umano ng hindi maayos na paggastos ng DepEd ang ulat na inilabas ng Commission on Audit (COA), na sa P11.36 bilyong pondo ng DepEd para sa information and communications technology (ICT) equipment noong 2023, tanging P2.075 bilyon lamang ang nagamit.

“This isn’t just inefficiency—it’s negligence,” wika pa ni Gutierrez na iginiit na ang kabiguan ng DepEd na gampanan ang trabaho nitong gamitin ng tama ang pondo ay nagbigay daan para magdesisyon ang Kongreso na bawasan ang pondong inilaan para sa naturang programa.

Sa pagdinig noong Setyembre, inamin ni DepEd ICT Director Ferdinand Pitagan sa isang budget hearing na hindi naipapamahagi ang 12,022 laptop para sa mga guro at 7,558 laptop para sa mga non-teaching personnel noong matapos ang 2023.

Binatikos din ng mga kritiko ang ahensya dahil sa iskandalo sa pagbili ng mga laptop sa ilalim ng termino ni Vice President Duterte, kung saan overpriced umano ang biniling mga laptop kaya mas konti ang nabili sa inilaang pondo.

“The excuses are wearing thin,” ayon kay Gutierrez. “How can Secretary Angara defend DepEd’s lack of action when the Philippines is already at rock bottom in global education rankings? A teacher-to-computer ratio of 30:1 is unacceptable in 2024. We need to see drastically improved utilization rates before any discussion of budget increases or restoration.”

Sa ulat, nasa ika-76 na pwesto ang Pilipinas sa 81 bansa sa larangan ng pagbabasa at matematika sa 2023 PISA o Programme for International Student Assessment na nagsusuri sa kakayahan ng mga mag-aaral.

Ayon sa mga analyst, ang mga pagkaantala ng DepEd sa paghahatid ng mga ICT resources ay lalong nagpapalala sa krisis.

Dahil sa kalagayan ng sektor ng edukasyon, iginiit ng mga mambabatas na ang pagbawas ng pondo ay hindi isang pag-atake sa edukasyon, kundi isang paalala sa DepEd na bigyan ng prayoridad ang tamang pamamahala sa pondo.