Garafil

Bawas-sweldo sa gov’t employees para i-donate biktima ng lindol sa Turkey, Syria fake news

191 Views

PINASINUNGALINGAN ng Malacañang ang kumakalat na memorandum kung saan babawasan umano ng dalawang araw na sahod ang mga empleyado ng gobyerno para ibigay na donasyon sa mga biktima ng lindol sa Turkey at Syria.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil walang inilalabas na ganitong memorandum ang gobyerno.

Kumakalat sa social media ang isang memo na may titulong “TWO DAYS SALARY DEDUCTION FOR THE MONTH MARCH 2023 FROM ALL GOVERNMENT EMPLOYEES FOR PRESIDENT RELIEF FUND FOR TURKEY AND SYRIA.”

Ayon kay Garafil nakikipag-ugnayan na ang Office of the Executive Secretary sa mga ahensya ng gobyerno para sa mga hakbang na gagawin kaugnay ng pekeng memorandum.