PBA

Bay Area Dragons sasabak sa PBA

Robert Andaya Mar 24, 2022
365 Views

INAASAHANG lalo pang sisigla ang darating na 47th season ng Philippine Basketball Association (PBA) sa paglahok ng Hong Kong-based Bay Area Dragons sa susunod na taon.

Ang Dragons, na binubuo ng mga players mula Mainland China, Hong Kong, at Chinese Taipei, ang kauna-unahang guest foreign team sa PBA sa loob ng dalawang dekada.

Inanunsyo nina PBA commissioner Willie Marcial at EASL co-founder Henry Kerins at CEO Matt Beyer ang naturang paglahok ng Dragons sa isang virtual presser nung.Lunes.

Nakatakdang dumating ang Dragons ngayong Agosto sa bansa, na kung saan mananatili sila bilang kanilang temporary home base habang lumalaro sa East Asia Super League (EASL) simula Oktubre.

“This is a great opportunity for the PBA. Hindi lang sa income, it’s also for awareness and additional fans,” pahayag ni Marcial sa panayam sa official PBA website.

“Maybe the Chinese community will watch the PBA. They can be the champions of the Governors’ Cup.”

Nagpasalajat naman si Beyer sa PBA Board sa imbitasyon sa Dragons.

“I am very grateful for the PBA and its support of the EASL, and for welcoming the Bay Area Dragons to the PBA. We’re honored the PBA is willing to host the Dragons, and we’re excited for what lies ahead,” sabi ni Beyer.

Nangako din si Beyer na hindi bibiguin ng Dragons ang mga PBA fans at tiniyak na bubuo ng isang competitive team na tatampukan din ng 6-6 and below na import alinsun9d sa PBA rules.

Bago ang Bay Area Dragons, naglaro na din bilang guest foreign team sa PBA ang UBC Thunderbirds at US Pro-Am selection simula quarterfinals ng 2004 Fiesta Conference.