Calendar
BBM camp todo-pasalamat sa suporta ng NPC-Tarlac
Nagpasalamat ang kampo ni UniTeam presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga opisyal ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa Tarlac sa ginawang pag-endorso ng mga ito.
Tinawag ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at spokesman ni Marcos na “most welcome development” ang pag-endorso ng grupo nina Tarlac Gov. Susan Yap at kapatid nitong si Rep. Victor Yap.
“We express our deepest appreciation to the leaders and members of NPC-Tarlac, for entrusting the formidable BBM-Sara tandem with their needed support, which marks the threshold of renewed hope for national unity, that the country may pole-vault towards complete healing, recovery and progress,” sabi ni Rodriguez sa isang pahayag.
Mahalaga para sa UniTeam ang pagsama sa kanila ng mga opisyal ng Tarlac na kilalang balwarte ng oposisyon.
Ipinananawagan ng UniTeam ang pagkakaisa para sa muling pagbangon ng bansa.
“Indeed, we humbly recognize this historical development as a sign for a brighter future, as we have always held that only through genuine unity may the Philippines be able to secure a stronger position in the family of nations,” dagdag pa ni Rodriguez.