BBM1

BBM manunumpa sa National Museum

346 Views

SA makasaysayang National Museum of the Philippines manunumpa bilang ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa Hunyo 30.

Ayon kay dating Manila Representative at ngayon ay Presidential Management Staff (PMS) Secretary-designate Zenaida “Naida” Angping nagsagawa na ng ocular inspection sa lugar ang inaugural committee.

“The National Museum of Philippines building and its surrounding areas match our requirements for President-elect Marcos’ inauguration. Preparations are already in full swing to ensure that it will be ready by then,” sabi ni Angping.

Sinabi rin ni Angping na kanilang ikinonsidera ang Quirino Grandstand subalit naroroon pa umano ang ilang COVID-19 field hospitals.

“The safety and welfare of our people are paramount. As such, we chose to avoid disrupting the medical care being given to the COVID-19 patients housed there. That’s why we opted for the National Museum as the venue,” dagdag pa ni Angping.

Sa Quirino Grandstand ginanap ang panunumpa ng ama ni Marcos na si dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr. bilang ika-10 Pangulo ng bansa noong 1965.

Sa National Museum o dating tinatawag na Old Legislative Building nanumpa sa tungkulin sina dating Pangulong Manuel L. Quezon (1935), Jose P. Laurel (1943), at Manuel Roxas (1946).

Dinisensyo ng Bureau of Public Works, ngayon ay Department of Public Works and Highways (DPWH) noong 1918 para sa National Library of the Philippines. Natapos ang konstruksyon nito noong 1926.

Noong 1935, dito rin ginanap ang proklamasyon ng Philippine Commonwealth. Nakilala rin ito bilang National Assembly Building.

Nasira ito noong World War II at inayos mula 1949 hanggang 1950.