Lulong sa ‘bad vice’
Apr 3, 2025
Calendar

Nation
BBM nangunguna pa rin sa OCTA Research
Ryan Ponce Pacpaco
Apr 18, 2022
331
Views
TATLONG linggo bago ang halalan, nangunguna pa rin sa survey si presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa survey ng OCTA Research na isinagawa mula Abril 2-6, nakakuha si Marcos ng 57 porsyento.
Malayong pumapangalawa naman si Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 22 porsyento at sinundan ni Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 9 porsyento.
Sumunod naman si Sen. Manny Pacquiao na may 7 porsyento at Sen. Panfilo Lacson na may 4 porsyento.
Ang iba pang kandidato ay nakakuha ng 1 porsyento o mas mababa pa.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondent at mayroon itong margin of error na 3%.
PBBM sinaksihan CDC circular signing
Apr 3, 2025
Sasakyan iparehistro agad — LTO
Apr 2, 2025