BBM

BBM nilampaso si Leni sa Women’s votes

426 Views

Laylo Research:

KASABAY ng pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso, ipinakita ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siya ang iboboto at pinaka-pinagkakatiwalaan ng mga babae sa lahat mga kandidato at inilampaso rin niya ang kaisa-isang babaeng presidentiable na si Leni Robredo, sa mga survey na isinagawa ng Laylo Research nitong Enero at Pebrero.

Ayon sa survey na isinagawa ng Laylo Research nitong Enero, nakakuha si Marcos ng 62 % preference vote mula sa mga kababaihan habang malayong 19 % ang nakuha ni Robredo o may malaking kalamangan na 43 % pabor kay BBM.

Nito namang Pebrero, nakakuha si Marcos ng 61 % voter preference mula sa mga kababaihan kumpara sa 19 % ni Robredo katumbas ng 42 % margin pabor pa rin kay BBM.

Nanguna si Marcos sa voter preference para sa pagka-pangulo sa lahat ng demographics nitong Pebrero kabilang ang local at economic class, gender at age groups at umiskor siya ng 55% hanggang 65 % sa lahat ng kategorya na malayo sa lahat ng kaniyang katunggali.

Nakakuha si Marcos ng 63 % sa urban areas; 62% sa rural; 54 % sa Class ABC; 66 % sa Class D; at 57 % sa Class E.

Nanguna rin si Marcos at nakakuha ng 65 % sa mga boto ng kalalakihan; 66 % sa may edad 18-34; habang 66 % sa edad 35-54; at 55 % sa may edad 55 pataas.

Lumabas din sa nasabing survey na tila ibinasura na rin si Robredo ng kanyang ka-rehiyon sa Bicol matapos lumutang na si BBM ang pinaka-pinapaboran ng mga Bicolano sa lahat ng mga kandidato.

Nitong Enero, nakakuha si Marcos ng 51 % preference votes sa Bicol Region kumpara sa 33 % ni Robredo o 18 % kalamangan.

Nito namang Pebrero, nakakuha si Marcos ng 48 porsyentong boto kumpara sa maliit na 32 porsyento ni Robredo o 16 porsyentong margin.

Inilampaso rin ni Marcos ang mga kalaban sa lahat ng malalaking rehiyon na may malaking voting population tulad ng NCR na nakakuha siya ng 61 %; North/Central Luzon, 80 %; Visayas, 53 %; at Mindanao, 71%.

Sa kabuuan, malaki ang lamang ni Marcos sa mga kalaban base sa Laylo Research nitong Pebrero matapos makakuha ng 63 % preference rating kumpara sa malayong 17 % ni Robredo.