Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
BBM

BBM prayoridad taas-sahod ng mga guro

595 Views

SENADOR pa lamang ay itinutulak na ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtataas sa sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan.

At patuloy umano itong isusulong ni Marcos kapag siya ay nanalong Pangulo sa paparating na halalan.

Noong Enero 24, 2012, inihain ni Marcos ang Senate Bill 3106 sa Senado na naglalayong itaas ang minimum na sahod ng mga public school teacher mula Salary Grade 11 at gawin itong SG 15.

Ang SG 11 ngayon ay nagkakahalaga ng P25,439 kada buwan samantalang ang SG 15 ay P35.097.

Hindi naaprubahan ng Senado ang panukala kaya sa unang araw ng sumunod na Kongreso noong Hulyo 1, 2013 ay muli itong inihain ni Marcos. Sa kasamaang palad ay muli itong hindi naaprubahan ng Senado.

Binigyan-diin ni Marcos ang kahalagahan na masuportahan ng gobyerno ang mga guro dahil sila ang responsable sa paghubog ng mga estudyante upang maging produktibong bahagi ng lipunan ang mga ito.

Bukod sa sahod, sinabi ni Marcos na dapat mabigyan ng libreng training at scholarship ang anak ng mga guro.