bbm5

BBM-Sara hindi natinag sa Manila Bulletin-Tangere survey

496 Views

sara4HINDI natinag sa unang puwesto sina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte sa survey ng Manila Bulletin-Tangere.

Sa survey na isinagawa mula Marso 1 hanggang 4, nakakuha si Marcos ng 48.75%.

Malayo namang pumapangalawa si Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 22.67% at pangatlo si Vice President Leni Robredo na may 17.29%.

Sumunod naman sina Sen. Panfilo Lacson na nakapagtala ng 5.75% at Sen. Manny Pacquiao na may 3.96%. Ang iba pang kandidato na nakakuha ng wala pang 1%.

Samantala, malaki rin ang naitalang kalamangan ni Duterte na nakakuha ng 56.63%.

Pumangalawa si Senate President Tito Sotto na nakakuha ng 16.08% at sinundan ni Dr. Willie Ong na may 14.17%.

Sumunod naman sina Sen. Francis Pangilinan na may 9.79% at Deputy Speaker Lito Atienza na nakapagtala ng 1.25%. Ang iba pang kandidato ay nakapagtala ng mas mababa sa isang porsyento.

Ang survey ay mayroong sampling margin of error na +/-1.94% at confidence level na 95%.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 2,400 respondents sa pamamagitan ng Tangere mobile app.