Calendar
BBM-Sara inendorso ng pinakamalaking OFW group sa bansa
INENDORSO ng pinakamalaking network ng mga overseas Filipino workers (OFW) sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at vice presidential aspirant Inday Sara Duterte.
Ayon sa Advocates and Keepers Organization of OFWS (AKO-OFW) Inc. Si Marcos ang “right man” para sa pagkapangulo lalo na ang nananawagan ito ng pagkakaisa at ‘social healing’ na kailangang-kailangan ngayon ng bansa.
“OFWs are supporting BBM’s call for unity and healing, which we believe are what our country currently needs the most to be able to fully move forward and attain its development goals,” sabi ni AKO-OFW Chairman at first nominee Dr. Chie Umandap.
Si Duterte naman umano ay mayroong malaking karanasan sa pamamahala na kailangan sa gobyerno kaya siya ang “best choice” na maging bise presidente.
Naniniwala ang AKO-OFW na hindi matutulad si Duterte sa ibang naging vice president ng bansa na naka-‘standby’ lamang sa paghalili sa Pangulo.
Ayon pa kay Umandap malaki ang nagawa ng ama ni Marcos na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. upang makapagtrabaho sa ibang bansa ang maraming Pilipino para maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
“If not for the late president Marcos, there wouldn’t be ‘modern heroes’ or OFWs who have consistently been driving the country’s progress,” dagdag pa ni Umandap.
Ang Ako-OFW ay tumatakbo sa party-list elections at nangako na magsusulong ng mga panukalang batas para sa kapakanan ng mga OFW at kanilang pamilya.