BBM Sina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at vice presidential candidate Sara Duterte sa Barotac Nuevo, Iloilo. Mga kuha ni VER S. NOVENO

BBM-Sara suportado ng mga opisyal sa Region 6

206 Views

SaraNagdeklara ng suporta kina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at vice presidential candidate Sara Duterte ang mga opisyal ng Western Visayas.

Pumunta ang mga opisyal sa Richmonde Hotel sa Iloilo City upang makipag-usap kay Duterte.

Ayon kay reelectionist President Roxas, Capiz Mayor Receliste Lachica Escolin kasama niyang nakipag-usap kay Duterte ang mga opisyal mula sa Antique, Aklan, Capiz, at Iloilo province.

Sinabi ni Escolin na 100% ang kanilang ibibigay na suporta kay Marcos at Duterte dahil naniniwala sila sa kakayanan ng mga ito na mamuno sa bansa.

Dagdag pa ni Escolin tumakbo siyang independent sa paparating na halalan dahil nais nito na ibigay ang kanyang todong suporta sa Marcos-Duterte tandem.

Ilan sa mga dumalo sa pagpupulong sina Gov. Rhodora Cadiao, Vice Mayor Jun Jun Pacificador at Te Dionela ng Antique; Mayor Elvira Alarcon ng Batad, Iloilo; Mayor Emerson Lachica ng Kalibo, Aklan; Vice Mayor Jeffrey Ganzon ng Iloilo City; Mayor John Taroza ng Zaraga, Iloilo, at Mayor Junjun Jaen ng Leganes, Iloilo.