Tallado Si Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado habang nagpapahayag ng suporta sa UniTeam nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte. Kuha ni VER S. NOVENO

BBM-Sara UniTeam suportado sa Bicol

503 Views
Tallado1
Si Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado habang ini-interview ni People’s Tonight ace reporter/columnist Ryan Ponce Pacpaco. Kuha ni VER S. NOVENO

Nadagdagan pa ang mga opisyal sa Bicol region na sumusuporta sa UniTeam nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ngayong Lunes, nagpahayag ng kanyang pagsuporta si Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado na siyang sumalubong kay Duterte at mga kasama nito sa Camarines Norte Capitol.

Pinangunahan din ni Tallado ang paglulungsad ng “Sara para sa Barangay” initiative sa Agro Sports Center.

Sinabi ni Tallado na malaki ang maitutulong ni Duterte sa kanilang lalawigan kapag nanalo ito.

“At kung sino po ang kasama ni Mayor Inday, ganun din, dapat tulungan din po natin. Dapat sila ay magkasama (BBM-Sara). Kasi po kung si Mayor Inday lang, ‘yung mga gusto niyang gawin sa bansang Pilipinas hindi rin po mangyayari ‘yan. Kaya dapat ‘yung kanyang ka-tandem (BBM) dapat tulungan din po ng Camarines Norte,” sabi ni Tallado.

Tinapos ni Tallado ang kanyang talumpati sa pagsasabi ng “Mabuhay ang BBM-Sara tandem.”

Ang Camarines Norte ay mayroong 400,000 rehistradong botante.

Bagamat maraming kongresista na nakahanay sa administrasyon, ang Bicol region ay itinuturing na balwarte ng oposisyon dahil dito nanggaling si Vice President Leni Robredo.

Nauna rito ay nagdeklara rin ng suporta sa UniTeam sina Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte kasama ang kanyang mga anak na sina Gov. Miguel Luis Villafuerte at Luigi Villafuerte, na tumatakbo sa pagka-gubernador.

Si Rep. Villafuerte ay isang reelectionist samantalang si Gov. Villafuerte ay tumatakbo sa pagkakongresista.