BBM

BBM umamin mapalad na si Mayor Sara ang katandem

425 Views

UMAMIN si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na masuwerte siya dahil ang kanyang ka-tandem ay si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sinabi ni Marcos na siya ay mapalad dahil pumayag na maging running mate nito si Duterte na kanyang inilarawan na “pinakamagaling, pinakamahusay at higit sa lahat ay may paninindigan sa kanyang mga pangarap at hangarin para sa ating bansang Pilipinas.”

Binigyan-diin ni Marcos ang kahalagahan na magkasundo ang Pangulo at Bise Presidente upang maituon ang kanilang buong atensyon sa pagtugon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.

Iginiit din ni Marcos ang kahalagahan ng pagkakaisa “dahil kahit sinong pinakamagaling mag-trabaho, pinakamasipag, pinakamahusay at pinakamabait, kung siya’y nag-iisa lamang, kaunti lang po ang magagawa niya,”

Ang pagsasama umano ng isang taga-hilaga gaya ni Marcos at ng isang taga-timog gaya ni Duterte ay pagpapakita na “kayang magsama, magsanib-pwersa” ang buong Pilipinas.

“Ang panawagan ko sa ating mga kababayan ay simulan natin ang kilusan ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Kasama ako sa pagkakaisa, kasama ako sa pagbabago, kasama ako sa pagpapaunlad at pagpapaganda ng buhay ng bawat Pilipino,” dagdag pa ni Marcos.