Rodriguez Atty. Vic Rodriguez: “The challenge to make history shall remain kindled until election day, and even beyond. We shall not rest until the 70% preference survey polls position is attained, until every vote is counted and the aspirations of the Filipino people become a reality.”

BBM una pa rin, Leni malabo na

267 Views
BBM
Presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Kuha ni VER NOVENO

Rodriguez sa BBM supporters: Wag maging kampante, mag-focus sa paggawa ng kasaysayan

BAGAMAT nangungang muli si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., hinikayat ng kanyang kampo sa pangunguna ng kanyang chief of staff at spokesman na si Atty. Vic Rodriguez ang kanilang mga tagasuporta na huwag maging kampante at mag-focus pa rin sa paggawa ng kasaysayan na makamit ang “70% presidential preference mark.”

“Once again, presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. leads by a strong majority preference rating at 56% in the latest Pulse Asia survey conducted from March 17 to March 21, 2022 fueled by an equally resolute 53% trust rating as shown in the more recent Laylo survey. Although 32 days remain before the national and local elections, we entreat our supporters, volunteers and campaigners to refrain from complacency and remain focus in achieving our common target of 70% presidential preference mark. We acknowledge the overwhelming support of the people as the Pulse Asia survey results clearly show, but the challenge to make history shall remain kindled until election day, and even beyond. We shall not rest until the 70% preference survey polls position is attained, until every vote is counted and the aspirations of the Filipino people become a reality,” sinabi ni Rodriguez sa isang pahayag.

BBM UNBEATABLE PA RIN; LENI MALABO NANG MAKAHABOL—PULSE ASIA

Inihayag ni Pulse Asia Research Director, Ana Tabunda nitong Miyerkules na nananatiling dominado ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang malaking kalamangan sa presidential race sa kabila ng bahagyang pagbaba ng kanyang bilang at maliwanag na hindi nito naapektuhan ang kanyang tsansa para magwagi sa darating na halalan sa Mayo 9.

“His Marcos decline in is not significant nationwide,” ayon kay Tabunda sa panayam sa ANC News Channel, kasabay ng pahayag na malinaw na hindi naapektuhan si Marcos sa mga ibinabatong isyu sa kanya.

Idinagdag pa ni Tabunda na ang bahagya ring pagtaas sa numero ng kanyang katunggali na si Leni Robredo ay hindi sapat para makahabol sa karera lalo na at mayroon na lamang halos tatlong linggo bago mag-eleksyon sa Mayo 9.

“No she can’t catch up because the increase is not enough,” ani Tabunda.

“It’s difficult to say but there has to be a larger decline in the voter preference and larger increases in Robredo’s preference votes for her to be able to catch up,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Tabunda na aabot pa sa 32 percentage points ang naghahati kina Marcos at Robredo kaya tila mahirap na itong makahabol.

“The gap between them is 32 percentage points, so if Bongbong Marcos loses 16 points and Leni Robredo gains 16 points. They will be statistically tied. So, you need a larger than 16 points decline for Bongbong Marcos and a larger than 16 points increase for Leni Robredo,” paliwanag ni Tabunda.

Ayon sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey na ipinalabas nitong Miyerkules, nanatiling malayong nangunguna si Marcos na Nakakuha ng 56 porysentong voter preference.

Nasa malayong pangalawa si Robredo na mayroong 24 porysento habang si Isko Domagoso ay Nakakuha ng 8%. Si Senator Manny Pacquiao, ay Nakakuha naman ng 6%, haang si Senator Panfilo Lacson ay mayroong 2%.

Kaugnay nito, nananatiling mataas ang ratings ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa pinakahuling resulta ng survey na isinagawa ng Laylo Research nitong nakalipas na Marso 15-22.

Ang nasabing survey ay ginawa sa loob ng isang linggo at may kabuuang bilang na 3,000 respondents.

Base sa resulta ng survey, si Marcos ay nakakuha ng 61%, malayong hindi hamak sa 19% na nakuha ni Robredo.

May diperensya itong 42% na imposibleng maabutan pa, lalo’t 32 araw na lamang ang nalalabi para sa inaabangang Halalan 2022.

Itinuturing na ang Laylo Research survey ang may pinaka-latest na resulta dahil isinagawa ang kanilang ‘field work’ noong March 12 hanggang March 22 mula sa 3,000 respondents.

Samantala, kahit sa resulta ng Pulse Asia Survey ay angat at lagpas pa sa 50% ang nakuha ni Marcos na may 56%.

Halos doble ang layo nito mula sa katiting na 24% ni Robredo.

May 2,400 respondents ito na isinagawa naman noong March 17 hanggang March 21.