Utang Source: FB file photo

Bebot buhay ibinayad sa P400 na utang

9 Views

TODAS ang babaeng street sweeper matapos saksakin ng kanyang dating landlord dahil umano sa P400 na utang sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City, noong Lunes.

Dead on arrival sa Rosario Maclang General Hospital ang 43-anyos na biktima na taga-Sitio San Gabriel, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Agad namang nahuli ang suspek na residente rin ng nasabing barangay.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nangyari ang insidente bandang alas-6:10 ng umaga sa kanto ng Kagawad Road at Roadman Street, Brgy. Batasan Hills.

Nagwawalis ang biktima nang lapitan at saksakin sa likuran ng suspek. Naaresto ang suspek sa follow-up operation ng pulisya.

Nabatid na dating nangungupahan ang biktima at ang live-in partner niya sa bahay ng suspek at may iniwang utang na P400.