Hostage

Bebot hinostage sa SM, nailigtas; hostage-taker nasakote

20 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Arestado ang lalaking nang-hostage ng saleslady sa SM City Lipa noong Martes.

Base sa report kay P/Col. Jacinto Malinao, hepe ng Batangas police, nasa loob ng Asianic gadget store ang biktima si alyas Jem, 25, nang biglang pumasok ang suspek na si alyas Alvin, 28, na may patalim at mabilis na ginapos ang biktima.

Kinausap ni Lipa City police chief P/Lt. Col Rex Villareal ang suspek at umabot ng tatlong oras bago sumuko ang suspek.

Papalabas na ng tindahan ang suspek at biktima at nang papalapit sa escalator ng mall, sinunggaban ni Villareal at ng kanyang mga tauhan ang suspek at nakuha ang patalim.

Dalawa pang empleyado ng tindahan, sina alyas Warren at alyas Sheryl, ang nagtago sa bodega habang nagaganap ang serye.

Pinuri ni Regional Director P/BGen. Paul Kenneth Lucas ang Lipa City Police Station sa kanilang aksyon sa insidente.

“Ang kaligtasan ng aming mga tao ang aming pangunahing prayoridad. Ang mapayapang resolusyon na ito patunay ng dedikasyon at kasanayan ng ating pwersa ng pulisya sa paghawak ng mga mataas na panganib na insidente,” sabi ni Lucas.