Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Metro
Bebot nagbabantay ng tindahan sa Quiapo todas sa pamamaril
Jon-jon Reyes
Sep 28, 2024
232
Views
DEAD-on-the-spot ang isang babae nang pagbabarilin habang nagbabantay ng tindahan ng hindi nakikilalang suspek sa Palanca St., Quiapo, Manila noong Sabado.
Ayon kay Police Major Patrick Rodriguez, hepe ng Palanca-Barbosa Police Station 14, bandang alas-3:00 ng hapon ng mangyari ang pamamaril sa biktimang si alyas Ester habang binabantayan ang kanyang sari-sari store.
Base sa mga nakasaksi biglang sumupot ang hindi pa nakikilalang suspek na lulan ng motorsiklo at walang kaabog- abog na pinagbabaril ang biktima.
Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. Napag-alaman na ang biktima namamahala ng mga relocation site ng mga nakatira sa ilalim ng Quezon Bridge.
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025