Belmonte

Belmonte nanawagan sa DILG na maghigpit sa piitan

Mar Rodriguez May 19, 2022
241 Views

HINAHAMON ngayon ni Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte-Alimurong ang Departmemt of Interior and Local Government (DILG) na dapat nitong paigtingin ang paghihigpit sa iba’t-ibang kulungan. Sapagkat nakakapuslit sa loob ng piitan ang mga “deadly weapons” at illegal na droga na pinasisimulan lamang ng mas malaking problema.

Ang hamon at panawagan ni Mayor Belmonte-Alimurong ay kaugnay sa sumiklab na riot kamakailan sa QC Jail. Batay sa nakalap nitong impormasyon ay naglipana sa loob ng nasabing piitan ang iba’t-ibang deadly weapon at talamak na bentahan ng illegal na droga.

Binigyang diin nito na masusugpo lamang ang mga ganitong “illegal activities” sa loob ng mga bilangguan gaya sa QC Jail kung sisimulan ng DILG na paigtingin ang seguridad sa loob ng mga piitan.

Sinabi din ni Belmonte-Alimurong na ang mga kulungan ang nagsisilbing “rehabilitasyon” ng mga tampalasan ng lipunan para mabigyan sila ng pagkakataon na makapag-bagong buhay.

Ngunit papaano aniya makakapag-bagong buhay ang isang partikular na preso kung nalululong naman ito sa illegal na droga? Sa loob mismo ng bilangguan ay talamak ang bentahan ng ipinagbababawal na gamot, aniya.

“Isa sa mga ginagampanan ng mga jail institution ay ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga mamamayan na magbago at makabangon mula sa kanilang pagkakasala. Pero, paano natin mababago ang buhay ng mga PDL kung habang nasa loob ng piitan ay nalululong sila sa ilegal na droga at nadadamay sa mga kaguluhan?,” sabi ni Mayor Belmonte-Alimurong.

Dagdag pa niya, “That’s why I call on our DILG, the current and upcoming SILG, to press for prison reforms. They can counter wrongdoings inside the institution if we address the PDL’s needs, implement a stricter and humane prison policy, and more importantly, capacitate our police and BJMP personnel and make them less tempted to accept bribes in exchange for the unhampered entry of weapons and drugs.”