Belmonte

Belmonte: Sumunod sa health protocols

Mar Rodriguez Jun 17, 2022
248 Views

IPINAG-UTOS ngayon ni Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte napaigtingin ang pagpapatupad ng mga “health protocols” sa iba’t-ibang barangay sa pamamagitan ng estriktong implementasyon sa pagsusuot ng face masks at paghikayat din sa mga residente na magpaturok ng vaccine laban sa COVID-19.

Ipinaliwanag ni Belmonte na ang kaniyang kautusan para sa 142 barangay officials ng Lungsod ay upang maiwasan na muling lumaganap ang COVID-19 cases sa QC kung kaya’t kailangan mas lalong higpitan ang mgaipinatutupad na health protocols.

Binigyang diin ng Mayora na kabilang sa mga paghihigpit na kinakailanganf ipatupad ng mga barangay officials sa kani-kanilang lugar ay ang pagsusuot ng face mask sapagkat kapansin-pansin na masyado naaniyang nagiging kampante ang ilang mamamayan sa QC.

“We cannot strictly enforce social distancing because we have just recently reopened our economies. So we are appealing to everyone to mask up and get vaccinated or boosted instead,” sabi ni Belmonte.

Inatasan ni Belmonte ang mga tinaguriang “Law and Order Cluster” ng QC government na kinabibilangan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) at Task Force Disiplina at iba pa upang paigtingin at mahigpit na i-monitor ang implementasyon ng “No Face Mask” sa QC.

Iginiit ni Mayor Belmonte na ang nabanggit na polisiya (No Face Mask) ay isang Ordinansa para tiyakin na nasusunod ang pagpapatupad ng “health protocols” para na rin sa kaligtasan ng mamamayan.

Tiniyak din ng Alkalde sa mga mamamayan ng Lungsod na mayroong sapat na supply ng COVID-19 vaccines para sa mga residente na wala pang bakuna at sa mga gusto naman magpaturok ng booster shots.