Zubiri Source: DOE FB post

Benepisyo ng paglago ng PH renewable energy investments ibinahagi

86 Views

PINURI ni Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri ang pag-akyat ng Pilipinas sa ikalawang pwesto sa Bloomberg NEF Climatescope’s 2024 rankings bilang “pinaka-kaakit-akit na emerging market para sa renewable energy investment,” na nagpapakita ng lumalaking dedikasyon ng bansa sa renewable energy.

“This is a fantastic development built on our whole-of-government approach towards increased usage of renewable energy, led of course by the Department of Energy,” ani Zubiri, na binigyang-diin ang sama-samang pagsisikap na nagtaguyod sa tagumpay ng sektor.

Ang tagumpay na ito, na naglagay sa bansa sa unahan ng China at ikalawa sa India, ay pagkilala ng Bloomberg NEF sa matatag na regulatory framework ng Pilipinas na sumusuporta sa renewable energy.

Naipatupad ng bansa ang lahat ng siyam na power policies na sinuri sa rankings, kabilang ang renewable energy targets, feed-in tariffs, import tax incentives, priority grid access, renewable energy certificates, renewable energy auctions, net metering, VAT incentives, at renewables mandates.

Si Zubiri, na namumuno sa Senate Committee on Economic Affairs, ang pangunahing may-akda ng Renewable Energy Act of 2008, na naglatag ng pundasyon para sa renewable energy journey ng bansa.

“We have come a long way since we pushed for the Renewable Energy Act, and I am very excited to see it finally bearing fruit, and bringing us to the forefront of the global renewable energy sector,” ani Zubiri.

Pinuri rin ng senador ang DOE sa kanilang dedikasyon sa pagpapataas ng porsyento ng renewables sa national energy mix, mula 22 porsyento patungong 35 porsyento pagsapit ng 2030.

“I want to congratulate the DOE, in particular, for their efforts to increase the percentage of renewable energy in our energy mix. No doubt, this has made way for more investors to put their money behind renewable energy,” dagdag ni Zubiri.

Ang paglago ng renewable energy investments ay nagdadala rin ng malaking benepisyo para sa mga mamimili.

“With more renewable energy investors coming in, particularly foreign investors, then we can look forward to a more competitive renewable energy sector that can offer more affordable services for our people,” giit niya.

Ayon pa sa senador mula Bukidnon, ang Public Service Act, na nagpapahintulot ng hanggang 100 porsyentong pag-aari ng mga dayuhan sa energy sector, ay inaasahang magpapalakas pa ng foreign investments, na gagawing mas kompetitibo ang renewable energy market.

Binigyang-diin din ni Zubiri ang economic at environmental benefits ng renewable energy development.

“We’re on a good path now, and I hope we can continue pushing for an even stronger renewable energy sector in the country. It’s better for the environment, and better for our people’s pockets,” aniya.

Ang tagumpay na ito sa renewable energy ay naglalagay rin sa Pilipinas bilang lider sa pandaigdigang kampanya para sa sustainability.

Ayon kay Zubiri, sa pag-akit ng mas maraming investments, hindi lamang tinutugunan ng bansa ang climate change kundi lumilikha rin ng mga oportunidad para sa economic growth at energy security.

Lumakas ang direktang dayuhang pamumuhunan sa renewable energy dahil sa mga polisiyang naglalayong magbigay ng insentibo para sa sustainable practices at sumuporta sa paglipat mula sa fossil fuels. Ang mga hakbang na ito ay naaayon sa global trends at pinatatatag ang papel ng Pilipinas bilang modelo para sa mga emerging market sa renewable energy.

Sa pagkakaroon ng mga polisiyang nakatindig at mataas na kumpiyansa ng mga mamumuhunan, naniniwala si Zubiri na mapapanatili ng Pilipinas ang pag-angat nito sa sektor.

“We are seeing the tangible results of years of hard work and vision. This is a win for both our environment and the millions of Filipinos who stand to benefit from a more sustainable and affordable energy future,” pagtatapos ni Zubiri.