Yelo

Bgy sa NorCot umuulan ng yelo sa kasagsagan ng init

Zaida Delos Reyes Apr 30, 2024
67 Views

KUNG nakaka-heat stroke ang sobrang init sa maraming lugar sa bansa, hailstorm naman o umuulan ng yelo sa isang barangay sa Carmen, North Cotabato noong Sabado.

Sa video na nakunan ng netizen at nai-share sa social media, literal na umulan ng yelo sa Brgy. Aroman, Carmen.

Napansin ng mga residente ang mga butil ng yelo na bumagsak mula sa kalawakan kasabay ng malakas na hangin at ulan, ayon sa report.

Batay sa ulat, ilang beses na ring nagkaroon ng hailstorm sa ilang lugar sa Central Mindanao at Bangsamoro region nitong mga nakalipas na taon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), karaniwang nagkakaroon ng hailstorm o pag-ulan ng yelo kapag may thunderstorms na nagmumula sa cumulonimbus o thunderstorm clouds.