BI Photo Bureau of Immigration

BI: Bilang ng int’l pasahero tumaas

Jun I Legaspi Nov 2, 2024
108 Views

SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na umabot sa 167,538 ang mga pasahero na naproseso nila noong Undas.

Ayon sa BI, mataas ng 12% ang international travelers ngayong 2024 kumpara sa 149,257 na pasahero na naproseso noong 2023.

Ang pagdagsa ng mga pasahero, dulot ng panahon ng Undas nagresulta sa mataas na volume ng mga pasahero sa mga pangunahing paliparan sa Pilipinas lalo na noong Oktubre 31 at Nobyembre 1.

Noong Oktubre 31, nakapagtala ang BI ng 41,078 na dumating at 43,341 na umalis sa buong bansa.

Sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, 14,010 na pasahero ang dumating at 15,666 ang umalis.

Sa Terminal 3, 19,223 ang dumating at 20,495 ang umalis.

Noong Nobyembre 1, nakapagtala rin ang BI ng katulad na dami ng international travels na may 42,858 na dumating at 40,261 na umalis.

Sa NAIA Terminal 1, 14,931 ang dumating at 13,381 ang umalis, habang ang Terminal 3 may 19,136 na dumating at 19,431 na umalis.

Naunang iniulat ng BI na nagtalaga sila ng 58 bagong opisyal ng imigrasyon sa mga pangunahing paliparan.

Bukod rito, nag-deploy ang ahensya ng rapid response at augmentation teams para madagdagan ang tauhan sa panahon ng dagsa ng pasahero.