Calendar

BI ipinadeport 84 Chinese POGO workers
PINA-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang 84 Chinese na umano’y empleyado sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na pinamumunuan ng mga dayuhang sindikato.
Isinakay ang mga banyaga sa Philippine Airlines flight patungong Beijing noong Huwebes, ayon sa BI.
Ang operasyon isinagawa sa pakikipagtulungan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), National Bureau of Investigation (NBI) at Chinese Embassy sa Maynila.
“Ipinapakita ng operasyong ito ang matibay nating paninindigan sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipasara ang mga ilegal na POGO at paalisin ang mga dayuhang lumalabag sa ating mga batas,” sabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.
Ang mga idineport na Chinese nationals nahuling walang sapat na dokumento at overstaying na sa Pilipinas.
“Isang malinaw na babala ito sa mga ilegal na dayuhang operator: bantay-sarado kayo at kami’y kikilos ng buong tapang,” dagdag pa ni Viado.