Calendar
BI naaresto 2 S. Koreans na wanted sa illegal sugal, droga
NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) fugitive search unit (FSU) ang isang South Korean na wanted sa kanilang bansa dahil sa illegal gambling.
Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang naaresto na si Choi Jonguk, 42 anyos na nahuli sa entertainment area sa Brgy. Tambo, Parañaque.
Si Choi ay nasa BI’s wanted list simula noong 2019 dahil sa pag-ooperate ng illegal gambling website na angvmga kliyente ay Korean customers na tumataya sa mga resulta ng sports competitions.
Kumikita umano ang suspek sa pagbebenta ng sports betting tickets online na paglabag sa national sports promotion act ng Korea.
Samantala, iniulat din ng BI ang pag-aresto sa isa pang South Korean national na wanted dahil sa illegal drugs trading.
Kinilala ni Viado ang pugante na si Seo Jungchul, 37, na naaresto nitong October 7 sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga.
Si Seo ay subject ng deportation order noon pang 2019 sa pagiging undesirable alien.
Pasok din sya sa Interpol red notice at overstaying sa Pilipinas para takasan ang kaso sa Korea.
Sinasabing sangkot si Seo sa pagbili, consumption at trading ng Philopon, isang uri ng methamphetamine na isang uri ng bawal na gamot.
Nakadetine na ngayon ang dalawa sa BI’s facility sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.