Depart

BI nag-deport ng 115 dayuhan sa overstaying

Jun I Legaspi Jun 8, 2025
13 Views

AABOT sa 115 na dayuhan ang napa-deport ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa ilegal na paninirahan at pagtatrabaho sa bansa na karamihan ay nasa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Binanggit ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang mga deportasyong ito ay isang malinaw na mensahe laban sa kawalan ng batas at pang-aabuso.

Ang mga pinalayas na indibidwal, karamihan mga Vietnamese, South Koreans at isang Malagasy, at isinama sa blacklist ng BI.

Ang kampanya laban sa mga undocumented foreign workers ay magpapatuloy sa mga susunod na linggo at naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pigilan ang bansa na maging kanlungan para sa mga ilegal na gawain.

Pinagtibay rin ng BI na ang Pilipinas ay bukas para sa mga lehitimong bisita at mamumuhunan, ngunit ang mga lalabag sa batas ay haharap sa parusa.