Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
BI

BI naharang sa airport biktima ng human trafficking

Jun I Legaspi Apr 12, 2026
112 Views

NAHULI ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang pinaghihinalaang biktima ng human trafficking na nagtangkang itago ang tunay na layunin ng biyahe sa pamamagitan ng pagmamanipula ng kanyang pasaporte noong Abril 1.

Ang biktima, babaeng 25-anyos mula Sultan Kudarat, ay naharang sa Davao International Airport bago sumakay ng Cebu Pacific Air patungong Bangkok, Thailand.

Una niyang sinabi na siya ay may walong araw na bakasyon subalit natuklasan ng mga immigration officers ang nakatagong pahina ng visa sa kanyang pasaporte kaya ini-refer siya sa Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES).

Sa imbestigasyon, inamin ng babae na sinadya niyang idikit ang mga pahina ng kanyang pasaporte upang maitago ang China visa at kalaunan, umamin siyang ang tunay na destinasyon niya ay sa China.

Doon siya nakatakdang makipagkita sa isang “groom” na in-arrange ng isang kakilala. Wala siyang direktang komunikasyon sa naturang lalaki at pinangakuan lamang ng P500,000 bilang dowry kapag sila’y ikinasal.

Lumabas din na ang kanyang mga dokumento sa biyahe, kabilang ang flight at accommodation bookings, ay inihanda ng kanyang contact, at siya ay binigyan ng pekeng mga dokumento upang makalabas ng bansa.

Naniniwala ang mga awtoridad na siya ay biktima ng mail-order bride scheme, isang uri ng human trafficking. Siya ay itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa tulong at karagdagang imbestigasyon.

“Nilalason ng mga sindikato ang mga biktima sa pangakong magandang buhay, kasal, at pinansyal na seguridad. Ngunit ang katotohanan ay mas malupit — marami ang nagiging modernong alipin, inaabuso, at pinagkakaitan ng sahod at kalayaan,” sabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.