Calendar
BI nasakote 400 illegal na dayuhang workers sa Paranaque raid
NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang halos 400 na ilegal na dayuhan sa raid sa Parañaque noong Miyerkules.
Iniulat ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. na natuklasan sa operasyon ang mga dayuhang nagtatrabaho sa mga aktibidad na kahalintulad ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa isang kumpanya sa Brgy. Tambo.
Sinasabing sangkot ang 400 na na dayuhan sa iligal na gawain, kabilang ang mga online scam operations na tumatarget ng mga biktima sa ibang bansa.
“The Bureau’s intelligence division, fugitive search unit (FSU) and Anti-Terrorist Group (ATG) have been monitoring the activities of these individuals for some time,” pahayag ni Manahan.
Ang mga naarestong indibidwal kasalukuyang sumasailalim sa booking at pansamantalang idedetene habang naghihintay ng deportation proceedings.
Nakikipag-ugnayan ang BI sa mga kaugnay na ahensya ng gobyerno upang mapabilis ang proseso at masigurong mapapanagot ang mga napatunayang lumabag.
“The order of the President is clear. POGO workers who insist on staying in the country and violating our laws will be arrested and deported,” paliwanag ng BI.