BI Photo: Bureau of Immigration

BI pina-deport 3 Tsinong ‘POGO’ workers

Jun I Legaspi Jan 25, 2025
18 Views

IPINA-DEPORT na ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Chinese nationals mahigit dalawang linggo lamang matapos ang kanilang pagkakaaresto na maituturing na pinakamabilis na proseso.

Ayon kay BI Commissioner Joel Viado, ang hakbang na mapabilis ang deportasyon ay alinsunod sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagbawal ang Philippine offshore gaming operation (POGO) sa bansa.

“This is only the first batch of deportees. We are working tirelessly to ensure the swift removal of all individuals found violating our immigration laws. This demonstrates our resolve to uphold the President’s mandate and protect the country’s interests,” saad ni Viado.

Ang mga na-deport na indibidwal na kinilala bilang sina Lyu Xun, 23; Kong Xiangrui, 26; at Wang Shangle, 25, ay kabilang sa 450 illegal POGO workers na inaresto sa isang malawakang operasyon na isinagawa ng BI noong Enero 8.

Sila ay pinabalik sa China sakay ng AirAsia flight patungong Xiamen noong hapon ng Enero 25.

Naglabas din ang BI ng babala para sa mga natitirang illegal POGO workers na nasa bansa pa.

“We encourage those who are still here illegally to voluntarily surrender to authorities,” ani Viado.

“Avoid the embarrassment and consequences of arrest. Cooperate now to facilitate your departure,” dagdag pa niya.

Marami pang deportasyon ang nakatakdang isagawa sa mga darating na linggo habang pinaiigting ng BI ang kanilang kampanya upang alisin ang mga illegal na manggagawa sa bansa.

“This is only the beginning,” ani Viado. “The Bureau is intent on carrying out its mandate swiftly and efficiently, ensuring that violators are held accountable and deported without unnecessary delay.”