BI

BI pinadeport 57 dayuhan na lumabag sa batas

Jun I Legaspi Feb 6, 2025
9 Views

PINADEPORT ng Bureau of Immigration (BI) ang 57 dayuhan na lumabag sa batas bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng ahensya upang alisin ang mga illegal aliens sa bansa.

Pinauwi ang mga indibidwal sa pamamagitan ng iba’t-ibang flight mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Enero 31 hanggang Pebrero 5.

Bahagi ang 57 ng 450 dayuhang naaresto noong Enero dahil sa paglabag sa mga batas ng Pilipinas, partikular na ang mga sangkot sa ilegal na POGO operations.

Iginiit ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang matigas na paninindigan ng ahensya laban sa mga dayuhang nagsasamantala sa kagandahang-loob ng bansa upang magsagawa ng ilegal na gawain.

“Under the leadership of President Marcos and with the full support of the Department of Justice, we are resolute in ridding the country of these undesirable aliens,” dagdag pa niya.

Partikular na tinututukan ng kampanya ang mga dayuhang sangkot sa ilegal na POGOs na nauugnay sa human trafficking, cyber fraud, at iba pang kriminal na gawain.

Binigyang-diin ni Viado na walang palalagpasin sa mga lumabag sa batas at ginamit ang bansa upang magsagawa ng ilegal na operasyon.

Ang pagpapadeport bahagi ng pinaigting na pagpapatupad ng batas ng BI.

Mahigpit ang koordinasyon ng mga awtoridad upang matukoy, maaresto, at mapatalsik ang mga dayuhang sangkot sa kriminal na aktibidad.