POGO

BI tiniklo 32 foreign POGO workers sa Parañaque

Jun I Legaspi Jan 18, 2025
16 Views

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) noong Enero 17 ang 32 foreigners na nabuking na nagtatrabaho sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Iniulat ni Fortunato Manahan Jr., hepe ng intelligence division ng BI, na ang mga inarestong banyaga nagtatrabaho sa online gaming at mga scam operations sa Aseana area sa Parañaque.

Kabilang sa mga Inaresto ang 20 Chinese nationals, 11 Malaysian nationals at 1 Cambodian national matapos i-monitor ng mga BI operatives ang mga ilegal na gawain, kabilang ang mga love scam, sa kanilang gusali.

Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Pinuri ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga operasyon at tiniyak na magpapatuloy ang kanilang kampanya laban sa mga ilegal na POGO.

Sinabi ng BI chief na inaasahan pa ang mga karagdagang pag-aresto at deportasyon kasunod ng nationwide na pagbabawal ng Pangulo sa mga operasyon ng POGO.

Mananatili ang 32 banyaga sa ilalim ng kustodiya ng NBI habang dumadaan sa mga proseso ng deportasyon sa BI.