Arugay Commission on Filipino Overseas Secretary Romulo Arugay

Bilang ng mga Pinoy na nag-asawa ng foreigner dumami

Chona Yu Oct 1, 2024
77 Views

TUMATAAS ang bilang ng mga Filipino na nag-aasawa ng mga dayuhan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Commission on Filipino Overseas Secretary Romulo Arugay na tumaas ng 20 hanggang 30 porsyento ang bilang ng mga nag-asawa ng dayuhan noong 2022.

Nasa mahigit 6,500 aniya ang nagpa-rehistro ng mga Filipino na nag-asawa ng dayuhan.

Sa naturang bilang, 6000 ang bilang ng mga lalaki at 6,000 ang bilang ng mga babae na nag-asawa ng dayuhan.

Naantala lamang aniya ang pagtaas ng bilang noong 2020 sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19.

Paliwanag ni Arugay, ang social media, matching, sulat at pagpapakilala sa mga kaibagan ang dahilan ng pag-aasawa ng mga Filipino ng mga dayuhan.

Nangunguna aniya sa mga napangasawa ng mga Filipino ay mga taga-Amerika, sunod ang Japan, Germany, Canada at Australia.

Bago aniya umalis ang mga Filipino, kinakailangan munang sumailalim sa guidance at counseling.

“Dito po ay tatalakayin nila ang mga aspeto na ano ba ang kinakaharap niya sa bansang pupuntahan at ano ang dapat niyang malaman into intercultural marriage. Kasi po kapag nagpa…tayo nga po mismo kapag nag-aasawa ng kapuwa nating Pilipino ay mayroon din pong guidance and counseling sa mga simbahan o sa mga NGOs; ganoon din po sa atin na bago umalis po rito at haharap po sila sa panibagong yugto ng kanilang buhay at lalung-lalo na sa banyagang mapapangasawa ay kailangang bigyan ng pansin, diin ng ating gobyerno through sa masusing proseso na iga-guidance and counseling para sa mga Pilipino or Pilipinang mag-aasawa ng banyaga,” pahayag ni Arugay.