Co Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co

BILYUN-BILYONG PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL ‘FAKE NEWS’ – REP. ZALDY CO

228 Views

PINABULAANAN ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, chairman ng House appropriations committee, ang kumakalat sa social media na may bilyun-bilyong pisong pondo umano para sa flood control projects sa Bicol Region.

Ayon sa mambabatas, wala umanong katotohanan at pawang “fake news” ang naturang balita na napakalaki ng pondo sa flood control sa kanyang lugar. Sa katunayan, isa aniya sa pinakamaliit ang alokasyon ng Bicol para sa national road at flood control projects.

Ayon kay Co, ang prayoridad ng kasalukuyang administrasyon at ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay ang pagsasama o convergence ng flood control sa water management ng National Irrigation Administration (NIA) para palakasin ang food security.

Diin ni Co, ang bawat proyekto para sa pagbaha ay konektado sa irrigation facilities ng NIA para matugunan ang pangangailangan sa patubig ng mga sakahan.