Louis Biraogo

Binabaluktot ang pulso ng bayan ni Robredo

762 Views

LeniKAPAG ang isang tao ay may kakaibang nararamdaman sa kanyang pangangatawan at nangangamba na siya’y may sakit, ang pinakamahusay niyang gawin ay pumunta sa isang doktor upang malaman ang lunas sa kanyang karamdaman. Ang magagaling na doktor naman ay hindi magpadalos-dalos na husgahan ang karamdaman ng kanyang pasyente,kaya pinapupunta ang pasyente sa laboratoryo upang suriin ang dugo at ihi, mga iba’t-ibang parte ng katawaan, at iba pang pananliksik sa katawan.

Gumagamit naman ang mga dalubhasa ng laboratoryo ng mga makabagong kagamitan at pamamaraan upang makuha ang pinaka-tumpak na resulta. Ang resulta ng pananaliksik ng laboratoryo ay ibinibigay sa doktor upang malalaman nito kung ano ang karamdaman o kalagayan ng kanyang pasyente, at kung papaano magagamot ang mga karamdamang ito.

Ang pangangampanya ay maihalintulad natin sa proseso na ginagamit ng doktor at laboratoryo. Ang tagapamahala ng kampanya (campaign manager) ay ipinapadala sa mga dalubhasa sa pananaliksik ng pulso ng bayan (marketing survey firms) upang malaman ang pag-asa ng kandidato nitong mananalo. Gagawa naman ang tagapamahala ng kampanya ng isang planong pang-kampanya (campaign plan) kung papaano mapapalapit sa puso ng mga mamboboto ang minamanok na kandidato. Ang planong pang-kampanya ay binabago ayon sa resulta naman ng ginagawang pananaliksik sa pulso ng bayan (voter preference survey) na inuulit ng ilang beses bago dumating ang halalan sa kadahilanan na nagbabago-bago ang pulso ng botante ayon sa pagtugon ng mga nila sa mga nagpaligsahang pangangampanya ng iba’t-ibang kampo.

Nakita natin sa halalang ito, tulad din sa mga nagdaang halalan, na naglabasan ng kani-kanilang positibong pangangampanya ang mga kampo. Nabibilang sa positibong pangangampanya ang paglabas ng mga mapang-akit na kulay at litrato, mainit na pakikipag-kamay at pakikihalubilo, paghayag ng plano sa gobyerno, pamimigay ng pasalubong, pagtatalumpati, pagkanta, pagsayaw, at iba pa.

Sa kabilang dako, nagbatuhan ang mga iba’t ibang kampo ng mga paninira upang madismaya ang mamboboto sa mga kinikilang kandidato at lilipat ito sa kinakampanyang kandidato.

Nakita natin na tinawag ng kampo ni Robredo si Bong Bong Marcos (BBM) na sinungaling, bobo, tamad, magnanakaw, anak ng diktador, walang napatunayan at marami pang paninira para madismaya ang mga taga-sunod nito at lumipat ang kanilang pananalig sa ibang kandidato.

Ngunit sa mga ilang nagdaan na ginawang pananaliksik sa pulso ng mga botante, nananatiling si BBM ang napupusuan ng 50% hanggang 60% ng mga botante.

Ang dating senador na si Serge Osmeña III ay nagmungkahi na dapat hindi itigil ang paninira laban kay BBM, ngunit itutok ang paninira sa ama ni BBM, ang yumaong dating Pangulo Ferdinand E. Marcos.

Kaya lang, mukhang iba ang naging pag-susuri at naging kapasyahan ng mga namamahala ng kampanya ni Robredo. Dahil hindi na nga nag-iiba ang resulta ng ginagawang pananaliksik sa pulso ng mga botante at mukhang hindi na rin ito mababago pa hanggang sa pagdating ng halalan, gumagamit na ang kampo ni Robredo ng ibang batayan para sukatin ang tagumpay ng kanilang pangangampanya. Ang mga ito ay ang:

1) dami ng dumadalo sa mga pagtitipon-tipong pampulitika ng kampo ni Robredo at ang

2) Google Trends.

Pinuna ni Kong. Boying Remulla na huwad na batayan ng lakas ng pangangampanya ni Robredo ang dami ng mga dumadalo sa mga patitipon-tipong pampulitika nito dahil sa paggamit ng hinahakot at bayarang mga dumadalo sa gayong pagtitipon-tipon. Dinagdagan pa ni Kong. Boying Remulla na karamihan sa mga bayarang hakot na dumadalo ay mga miyembro ng CPP/NPA o mga kaliwa. Ibig sabihin, may alyansa na ngang nabuo sa kampo ni Robredo ng Pinklawan at Joma Sison ng NDF/CPP/NPA.

Pinuna naman ng isang dalubhasa sa matematika na si Prof. Billy Sison ng UPLB na hindi mahusay na batayan ang Google Trends ng lakas ng pangangampanya ng isang kandidato. Ayon kay Prof. Billy Sison, sinusukat lamang ng Google Trends ang dami ng mga naghahanap (search) ng impormasyon tungkol sa isang paksa o tao kumpara sa ibang paksa o tao. Hindi batayan ang lamang sa Google Trends ng pagkiling sa isang kandidato.

Kung ang dami ng dumadalo sa pagtitipon-tipon pampulitika at antas sa Google Trends ay hindi maaaring batayan ng lakas ng isang kandidato, bakit nga ba ito na ngayon ang pinalalabas ng kampo ni Robredo?

Unang-una, wala ng pag-asa na mabago pa ang mga resulta ng ginagawang pananaliksik sa pulso ng mga botante ng mga sumusunod na dalubahasa:

1. Social Weather Station (SWS)
2. Pulse Asia (Pulse)
3. Publicus Asia
4. OCTA Research
5. Laylo Research

Kaya, marami ngayon ang naniniwala na ginagawang sapilitang ilihis ang batayan ng lakas ng pangangampanya palayo sa mga subok na at maaasahang dalubhasa tulad ng SWS at Pulse, ay upang maisagawa ang isang “mind conditioning” o panlilinlang bilang bahagi ng isang malawakang pandaraya. Sa yugto ng kampanya na kinaroroonan natin, halos wala ng pagkakataong makahabol pa si Robredo kay BBM.

Kung ihambing natin sa larong basketbol, parang lamang ng 50 puntos ang kupunan ni BBM at 10 minuto na lang ang nalalabi. Kadalasan makikita natin na ang natatalo na kupunan ay gumagamit na ng mga marurumi na taktika. Pinapapasok na ang mga manlalaro na bangko at hindi malayo na kusang saktan ang mga pamatong manglalaro ng nananalo na kupunan.

May kasabihan nga na “ang desperadong panahon ay humihiling ng desperadong mga hakbang!”

Ngunit, nabisto na ang kampong Robredo ni Kong. Boying Remulla. Nabisto na rin ang kampong ito ni Prof. Billy Sison.

Kaya ang manunulat na ito ay nanawagan sa Pinklawan, ang kampo ni Leni Robredo, na tigilan na ang pagbaluktot ng pulso ng bayan. Bigyan natin ng kalayaan ang sambayanang Pilipino na pumili kung sino ang mapagpasyahan nilang mamumuno ng ating bansa. Ibigay natin sa mamamayan ang karapatan na iboto ang sinumang mapipili nila.