PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Provincial
Binaril, nabuhay
Edd Reyes
Oct 24, 2025
398
Views
HIMALANG nabuhay ang empleyado ng barangay nang barilin sa dibdib ng miyembro ng Lupong Tagapamayapa noong Huwebes sa Taal, Batangas.
Bago nangyari ang pamamaril, nagkaroon muna ng pagtatalo ang biktimang si alyas Renato, barangay utility worker, at miyembro ng Lupon na si alyas Edgar dakong alas-10:20 ng gabi sa hindi pa batid na dahilan.
Sa kainitan ng argumento, umuwi ng bahay si alyas Edgar at nang bumalik ay armado na ng hindi pa batid na kalibre ng baril at pinaputukan sa kanang bahagi ng dibdib ang biktima na duguang nahandusay.
Mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod ng mga nakasaksi sa Taal Polymedic Hospital and Medical Center ang biktima.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026
