61 Pugante, Huli sa CALABARZON
Oct 11, 2026
Calendar
Provincial
Binata nangnenok ng P23K sa mall, nakulapol
Steve A. Gosuico
Jul 12, 2025
415
Views
CABANATUAN CITY–Kalaboso ang inabot ng binata na nahuling nagnanakaw ng paninda na nagkakahalaga ng P23,251 sa isang mall dito noong Biyernes.
Sinabi ni P/Lt. Col. Renato Morales, hepe ng pulisya, na dinala ang 22-anyos na suspek sa himpilan ng pulis ng mga security personnel ng SM Megacenter bandang alas-10:00 ng gabi.
Nahuli ang suspek kasunod ng reklamo ni Erwin Mijares, 28, head supervisor ng Mr. DIY, na may mga kinuhang items ang suspek na hindi binayaran.
Tatakas na sana ang suspek nang mamataan ng mga security guards dakong alas-6:10 ng gabi.
Nasamsam sa kanya ang iba’t-ibang ninakaw na paninda ng Mr. DIY na nagkakahalaga ng P23,251.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong pagnanakaw laban sa suspek.
61 Pugante, Huli sa CALABARZON
Oct 11, 2026
Mag-jowa tiklo sa Batangas; P1M shabu, boga kubra
Oct 10, 2026
Boto ng mga katutubo, itinulak ng COMELEC sa Palawan
Oct 10, 2026
7TH MOBILE CLINIC NG SM FOUNDATION
Oct 10, 2026
2 LPA binabantayan, bagyo nasa labas ng PAR
Oct 10, 2026
Karagatan ng Batangas niyugyog ng M3.8 na lindol
Oct 10, 2026

