Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Nakaw Nagmistulang maamong tupa ang suspek matapos maaresto sa anim na bilang ng kasong qualified theft sa Tondo, Manila.

Binata sa presinto binitbit dahil sa 6 na beses na kupit

Jon-jon Reyes Jul 30, 2025
186 Views

SWAK sa kulungan ang isang isang 27-anyos na binata makaraang maaresto sa anim na bilang na qualified theft ng mga tauhan ng DIDMD ng Manila Police District Martes ng umaga sa Quirino Street, Barangay 116, Zone 9, Tondo, Manila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Damaso Burgos Jr,., hepe ng Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD), ang target ng operation na si alyas Mark Andrew, walang trabaho, ng naturang lugar

Ayon kay Police Major Gil John Lobaton, hepe ng Warrant and Subpoena Section, bandang 9:10 ng umaga nang mamataan ang binata sa kanilang lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Maria Lualhati Carandang, ng Regional Trial Court Branch 259 ng Parañaque City.

Inirekomenda ng korte ang piyansang P36,000 00 sa bawat kaso para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.