Van

Binoga sa sasakyan, nakatakas sa kamatayan

Bernard Galang Jul 19, 2025
27 Views

BINARIL ang driver ng van noong Biyernes ng lalaking nakasakay sa motorsiklo habang nakaparada ang sasakyan niya sa harap ng convenience store sa Angeles City, Pampanga.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., sinabi ni Angeles City police Acting director Col. Joselito Villarosa Jr. na nakasuot ng berdeng jacket at asul na pantalon ang biktima habang ang suspek ay nakasuot ng itim na bonnet, long-sleeve shirt, maong pants, tsinelas at sakay ng itim na motorsiklo.

Nakita ng mga rumespondeng pulis ang mga mantsa ng dugo at tatlong bala sa pinangyarihan.

Dinala ang biktima sa Mount Carmel Hospital para magamot.